Intro: >C#m B A G# (2x) Chorus: > C#m Kayo po na nakaupo > B Subukan n'yo namang tumayo > A At baka matanaw, at baka matanaw ninyo > G# Ang tunay na kalagayan ko (Ganito kasi yan eh) Verse 1: > C#m Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng > Malaking bahay at malawak na bakuran > B Mataas na pader, pinapaligiran > At nakapilang mga mamahaling sasakyan >A Mga bantay na laging bulong nang bulong > Wala namang kasal pero marami ang nakabarong > G# Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong > Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong > C#m At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon > At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon > B Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan > Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan > A Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan > Na 'pag may pagkakatao'y pinag-aagawan > G# Kaya naman hindi niya pinakakawalan > Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan Chorus: > C#m Kayo po na nakaupo > B Subukan n'yo namang tumayo > A At baka matanaw, at baka matanaw ninyo > G# Ang tunay na kalagayan ko Verse 2: > C#m Mawalang-galang na po sa taong nakaupo > Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay 'di puno > B Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero > Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo > A Na 'di kayang bilhin upang ilagay sa inumin > Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling > G# Gamit lang panggatong na inanod lamang sa estero > Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aking banyo > C#m Ang aking ina'y na may kayamanang isang kaldero > Na nagagamit lang 'pag ang aking ama ay sumweldo > B Pero kulang na kulang pa rin, ulam na tuyo't asin > Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin >A 'Di ko alam kung talagang maraming harang > O mataas lang ang bakod > G# O nagbubulag-bulagan lamang po kayo > Kahit sa dami ng pera niyo > Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo, kaya Bridge: > C#m Wag kang masyadong halata > Bato-bato sa langit >B Ang matamaa'y 'wag magalit, oh >A Bato-bato bato sa langit >G# Ang matamaan ay Outro: repeat humming only to fade > C#m Wag masyadong halata (hehey) > B Wag kang masyadong halata (hehey) > A Wag kang masyadong halata (hehey) > G# Wag kang masyadong halata (hehey)