Sirena (feat. Ebe Dancel) by Gloc 9 | Chords & Lyrics

Intro: >F#7 Chorus: > Bm A Ako'y isang sirena > G F# Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda > Bm (D) A Ako'y isang sirena > F#m G F# Kahit anong gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba > Bm A Drum na may tubig ang sinisisid > G F# Naglalakihang mga braso, sa'ki'y dumidikdik > Bm A Drum na may tubig ang sinisisid > G F# Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib Verse 1: > Bm Simula pa nang bata pa ako > A Halata mo na kapag naglalaro > G Kaya parang lahat ay nalilito > F# Magaling sa chinese garter at piko > Bm Mga labi ko'y pulang-pula > A Sa bubble gum na sinapa > G Palakad-lakad sa harapan ng salamin > F# Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?" > Bm Habang kumekembot ang bewang, mga hikaw na gumegewang > A Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang > G Upang matakpan ang mga pasa sa mukha > F# Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa > Bm Sa t'wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan > A Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan > G Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot > F# Ang puso kong mapagmahal parang pilikmatang kulot Chorus: > Bm A Ako'y isang sirena > G F# Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda > Bm (D) A Ako'y isang sirena > F#m G F# Kahit anong gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba > Bm A Drum na may tubig ang sinisisid > G F# Naglalakihang mga braso, sa'ki'y dumidikdik > Bm A Drum na may tubig ang sinisisid > G F# Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib Verse 2: > Bm Hanggang sa naging binata na ako > A Teka muna mali, dalaga na pala 'to > G Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin > F# Ano bang mga problema niyo? > Bm Dahil ba ang mga kilos ko'y iba > A Sa dapat makita ng inyong mata > G Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala > F# Kahit 'di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa > Bm Kahit kinalyo na sa tapang kasi gano'n na lamang > A Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang > G "Tama na naman, itay, 'di na po ako pasaway > F# 'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay" > Bm Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon > A Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon > G Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat > F# Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat Chorus: > Bm A Ako'y isang sirena > G F# Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda > Bm (D) A Ako'y isang sirena > F#m G F# Kahit anong gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba > Bm A Drum na may tubig ang sinisisid > G F# Naglalakihang mga braso, sa'ki'y dumidikdik > Bm A Drum na may tubig ang sinisisid > G F# Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib Verse 3: > Bm Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa > A Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama > G Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita > F# "Kakain na po, itay, nakahanda na'ng lamesita" > Bm Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang > A Ngayo'y buto't balat ang dating matipunong katawan > G "Kaya sa'yong kaarawan, susubukan kong palitan > F# Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan" > Bm Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer > A Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster > G Isang gabi, ako'y iyong tinawag, > F# Lumapit ako sa'yong tabi ika'y tumangan > Bm Kumapit ka sa aking kamay kahit hirap magsalita > A "Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa" > G 'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha > F# Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla Outro: > Bm A Drum na may tubig ang sinisisid > G F# Naglalakihang mga braso, sa'ki'y dumidikdik > Bm A Drum na may tubig ang sinisisid > G F# Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib > Bm A Ako'y isang sirena > G F# Bm Kahit anong gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba