Chorus: > C D Em Napakaraming guro dito sa amin > G B Ngunit bakit tila walang natira? > C D Em Napakaraming nars dito sa amin > G B Em Ngunit bakit tila walang natira? Post-chorus: > Em Nag-aabroad sila (Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman) > Em Nag-aabroad sila (Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman) > Em Nag-aabroad sila Verse 1: > C D Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay 'Pinas > Em Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas? > C D Nauungusan ng batas parang inamag na bigas > Em Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas > C D Tumatakbo nang madulas, mga pinuno ay ungas > G Em Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas > C Mga kabayan natin na lumilipad, lumalabas > B Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Verse 2: > C D Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli > Em Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi > C D Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri > Em Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti > C D Ng anak na halos 'di nakilala ang ama > G Em O ina na wala sa tuwing kaarawan nila > C Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba > B Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na Chorus: > C D Em Napakaraming inhinyero dito sa amin > G B Ngunit bakit tila walang natira? > C D Em Napakaraming karpintero dito sa amin > G B Em Ngunit bakit tila walang natira? Post-chorus: > Em Nag-aabroad sila (Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman) > Em Nag-aabroad sila (Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman) > Em Nag-aabroad sila Verse 3: > C D Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan > Em Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran > C D Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan > Em Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan > C D Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari > G Em Mababawi rin naman, 'yan ang sabi 'pag nayari > C B Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano > O barko kahit saan man papunta Verse 4: > C D Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso > Em Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso > C D Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino > Em Lilisanin ang pamilya, aamo kahit na sino? > C D Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro > G Em Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo > C Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba > B Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na Chorus: > C D Em Napakaraming 'sambahay dito sa amin > G B Ngunit bakit tila walang natira? > C D Em Napakaraming labandera dito sa amin > G B Em Ngunit bakit tila walang natira? Post-chorus: > Em Nag-aabroad sila (Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman) > Em Nag-aabroad sila (Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman) > Em Nag-aabroad sila Verse 5: > C D Subukan mong isipin kung gaano kabigat > Em Ang buhat na maleta, halos hindi mo na maangat > C D Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila > Em Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba > C D Matapos lamang sa kolehiyo, mututubos din ang relo > G Em Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo > C Matagal pa kontrata ko, titiisin ko muna 'to > B Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko Chorus: > C D Em Napakaraming guro dito sa amin > G B Ngunit bakit tila walang natira? > C D Em Napakaraming nars dito sa amin > G B Em Ngunit bakit tila walang natira? Post-chorus: > Em Nag-aabroad sila (Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman) > Em Nag-aabroad sila (Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman) Outro: > C D Em Napakaraming tama dito sa atin > G B Em Ngunit bakit tila walang natira?